Hataw Tabloid – Consumer group nanawagan sa NGCP supply ng koryente tiyakin

NANAWAGAN ang isang pro-consumer, non-government organization (NGO) group sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na gawin ang kanilang bahagi upang maiwasan ang pagkawala ng supply ng koryente sa Luzon.

Sa isang opinion piece, sinabi ng Kuryente.org ang posibilidad na maaaring mawalan ng koryente sa araw ng halalan sa 9 Mayo kung hindi aaksiyon ang NGCP.

“Hindi namin maaaring ipagsapalaran na magkaroon ng power interruptions sa araw ng halalan na ang mga Filipino ay boboto sa pamamagitan ng electronic voting machine at sa panahon ng paghahatid ng data para sa canvassing,” sinabi ng organisasyon.

“Ang mga brownout sa buong bansa na nagdudulot ng pagkaantala sa pagboto at mga kaduda-dudang resulta, gayondin, maaari itong samantalahin ng mga grupong politikal at sakyan ang isyu upang palalalain ang sitwasyon sa Filipinas.”

“Kailangan nating tugunan ito ngayon,” dagdag nito.

Binalangkas ng Kuryente.org ang mga rekomendasyon nito kung paano magagawa ng NGCP ang kanilang bahagi upang maiwasan ang pagkawala ng koryente.

Kabilang rito ang pagkuha ng mga reserbang supply ng koryente sa pamamagitan ng isang mapagkompetensiyang proseso ng pagpili at pagtitiyak sa pagkompleto ng mga proyekto sa paghahatid.

Nagbigay din ang organisasyon ng mga iminungkahing hakbang sa patakaran sa iba pang manlalaro ng sektor ng enerhiya:

● Para aprobahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang lahat ng nakabinbing Certificate of Compliance para sa mga nakompletong power plant

● Para sa Department of Energy (DOE), NGCP, ERC, National Electrification Administration (NEA), at mga grupo ng consumers na lumikha ng working group na tutugon sa paparating na pagkawala ng koryente

● Para sa mga gencos at electric cooperative na mapanatili ang mahigpit na protocols sa pagpapanatili upang maiwasan ang hindi planadong pagsasara

● Para sa mga pribadong power distributor at electric cooperative upang matiyak ang katatagan ng kani-kanilang network

“Kung magtutulungan tayong lahat, mapoprotektahan natin ang ating demokrasya at makakamit ang maayos, malinis, at tapat na halalan. Tayo ay nasa punto ng pagbabago sa ating kasaysayan; let us write a better story for the next generation,” pagtatapos ng Kuryente.org.

Ang mga eksperto tulad ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) ay patuloy na nagbabala na maaaring maganap ang pagkawala ng koryente sa ikalawang quarter ng taong ito. Itinaas ng ICSC ang posibilidad ng brownout sa araw ng halalan.

“Kung ang mga coal plant ay patuloy na makakaranas ng hindi planadong pagsasara sa mga susunod na linggo, ang posibilidad ng blackout sa panahon ng halalan ay mas malaki gaya ng hinulaan natin noong Pebrero,” ani Jephraim Manansala, ICSC Chief Data Scientist, sa isang pahayag sa Business World.

Tinutukoy niya ang katotohanan na 12 sa 23 power plants sa Luzon ang sumailalim sa nakaplanong outages para sa maintenance work pagkatapos ng 25 Marso sa kabila na hindi pinapayagan sa ilalim ng aprobadong iskedyul para sa outages para sa 2022-2024.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top