
Nagbabala ang grupong Kuryente.org na maaaring ulitin ngayong taon ng Manila Electric Company (Meralco) ang overpricing na ginawa nito noong 2020 lockdown.
Giit ni Kuryente.Org national coordinator Nic Satur Jr., hindi dapat magpakakampante sa unang ulat na walang yellow alert ngayong summer dahil bandang Pebrero at Marso pa nila ito inaanunsiyo.
“If COVID-19 cases continue to rise, Metro Manila may enter alert level four, with harsh lockdowns reminiscent of March 2020. Consumer welfare group Kuryente.org is sounding the alarm against a possible repeat of Meralco’s alleged overpricing during the lockdown period,” sabi ni Satur.
Ayon sa Kuryente.org, kailangang may kinatawan ang mga consumer sa Energy Regulatory Commission.
Kailangan din aniyang pakinggan ang tinig ng mga consumers sa ERC dahil sila ay apektado ng mga desisyon nito at bulsa nila ang dumudugo sa mga desisyon nito.
Sabi pa ni Satur na nag-overcharge ang Meralco noong 2020 ng in-average ang generation rates at hindi ginamit ang totoong presyo na mas mababang generation rate noong panahon ng lockdown nang walang mga planta at pabrikang umaandar. (Eileen Mencias)
###