06 Mayo 2024 alas dos ng hapon bumisita ang Kuryente.org sa tanggapan ni Mayor Ruffy Biazon para sa isang courtesy visit. Nagkaraon ng pagkakataon ang national coordinator na si Bas Umali na ipakilala ang Kuryente.Org sa Lokal na Pamahahalaan ng Muntinlupa kaharap ang hepe ng Urban Poor Affairs Office (UPAO) na si Ms. Rosemarie Geli at si Ms. Sheina Hernandez na siya namang hepe ng Community Affairs Development Office (CADO).
Nakita ni Mayor Biazon na may kabuluhan pagsasagawa ng edukasyon sa mga consumers o sa mga gumagamit ng kuryente; ito ay para mabigyan ng napapanahong impormasyon ang mga tao tungkol sa mga bagay na nakaka-apekto sa halaga at seguridad ng supply ng kuryente. Gayundin, ang usapin ng re-newable energy ay mahalaga at dapat ding pag-usapan.
Sa inisyal ay magsasagawa ng oryentasyon sa antas ng muna ng UPAO at CADO kung saan tatalakayin ang Power 101, mula dito magkakaroon ng inisyal na plano kung paano papatagusin sa mga komunidad kasama ang mga susing lider sa mga lokalidad.
Inaasahan na magkakaroon ng serye ng aktibidad ang Lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa at Kuryente. Org tungkol sa pagsasangkot sa mga konsyumer ng kuryente sa mga usapan at makikipag-ugayan din sa Energy Regulatory Commission upang mas mapaunlad ang inisyatiba.