Ika-walo ng Mayo 2024 nagsagawa ng inspeksyon ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa Eastshine Residences sa Tanay Rizal upang makita ang mga istruktura ng kuryente.
Ang Eastshines Residences ay may 1800 na bahay na may ilang unit na lang nabakante, ayon sa Samahan ng Nagkakaisang Kababaihan sa Eastshine (SKKE) ay halos 70% pa ang walang akses sa kuryente. Ang mga Eastshine Residences ay relocation site, ang mga residente ay mula sa Pasig na pinalipat dahil sa iba’-t-ibang proyekto noong panahon ni Mayor Eusebio.
Nangyari ang pagbisita ng ERC matapos na makipag-ugnayan ang Pasig Urban Poor Settlement Office (PUSO) ng Lokal na pamahalaan ng Pasig at Rural Poor Institute for land and Human Rights Services Inc (RIGHTS) na NGO sa at Kuryente.org tungkol sa isyu ng mga taga Eastshine sa kuryente. Nakipag-ugnayan ang Kuryente.org sa ERC at iminungkahi ng huli na magsagawa ng site visit at pakikipag-usap sa SKKE at sa mga apektadong residente para makatukoy ng mga hakbang.
Ayon sa ERC ay naka-abang na ang mga pasilidad ang kulang na lang ay ang koneksyon sa kuryente. Maraming masalimuot na isyu na tinalakay ang SKKE, RIGHTS at PUSO na ang ilan ay ang: paghingi ng kabuuang bayad ng National Housing Authority (NHA) sa nalalabing bayarin ng mga benepisyaryo ng bahay; ang hindi pagbigay ng permit ng Lokal na Pamahalaan ng Tanay para makabitan ang residente ng kuryente dahil sa kawalan ng electrical plan na hindi naman ibinibigay ng Hall Rey (Developer).
May ilang residente na naunang nakaroon ng koneksyon at pinakabit ang kanilang mga kapitbahay. Ang ilan ay naputulan dahil hindi nakapagbayad, may ilan na hindi na muling kinabitan ng MERALCO dahil sa paglabag at nadamay din ang aplikasyon ng mga nakikabit.
Nilinaw na ang ERC ang proseso at binaggit nito na mas makakatulong na sila kung nasa MERALCO na ang proseso ng kanilang aplikasyon. Ang naging resolusyon ay mag-organisa na dayalogo kasama ang mga tanggapan na sangkot kagaya ng NHA, lokal na pamahalaan ng Pasig at Tanay at Developer, at MERALCO . Ito ay papangunahan ng RIGHTS at PUSO at tutulong din ang Kuryente.org.