Sa pagtutulungan ng Energy Regulatory Commission (ERC), Kuryente.Org at ng Pasig Bliss Village 4 ay magkakaroon ng talakayan para bigyan ng mga angkop at napapanahong impormasyon ang mga konsyumer na mymebro ng Home Owners’ sa Bliss 4 sa lungsod ng Pasig. Higit itong kailangan ngayon lalo na sa kasagsagan ng napakatinding init at may mga banta ng kakapusan ng kuryente dahil sa mga anunsiyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Magaganap ito sa ika-11 ng Mayo 2024 alas dos hanggang alas sais ng hapon (2:00PM – 6:00PM) sa Bliss Village 4 covered court Kaayusan St. Manggahan Pasig.
Tatalakayin ng ERC ang mga batayang konsepto sa sektor ng enerhiya at ito rin ay magbibigay ng mga tips para sa episyenteng paggamit at pagtitipid ng kuryente. Ang pagpapadaloy ng workshop ay papangunahan ng Kuryente.Org bilang mga praktikal na solusyon na maaring magawa ng mga konsyumer.